MANILA, Philippines – Hinikayat ni Sen. Sonny Angara ang lokal na pamahalaan ng Aurora na bigyang puhunan ang turismo ng lalawigan para patuloy itong umunlad.
Sinabi ng chairman of the local government committee na dapat pagtuunan ng pansin ang pagpapaganda ng mga imprastraktura at pasilidad para dumami ang turista sa mga probinsysang tulad ng Aurora.
“We should improve our road networks and fix our airports. Even Baler could attract more tourists if the establishment of its airport would be fast-tracked,” pahayag ni Angara.
Sinabi ito ni Angara kasabay ng patuloy na pagkakasara ng isla ng Boracay na kasalukuyang isinasailalim sa rehabilitasyon.
Aniya magbubukas ng maraming trabaho ang pagpapaunald ng turismo sa lalawigan na makakatulong sa pagpapagaan ng kahirapan.
Sabi ni Angara na marami pang malilinis at magagandang dalampasigan sa Aurora ang hindi pa nabibisita gaya ng Dinadiawan ng Dipaculao at Casapsapan sa Casiguran.
“Ang hindi alam ng karamihan, mayroon din kaming Boracay sa Aurora,” pahayag ni senador.
Umaani ng humigit kumulang dalawang milyong turista ang Boracay taun-taon habang ang Baler ay nasa 1.2 milyon ang bisita noong nakaraang taon mula sa 10,782 noong 2007.