Motor vs trak: 2 katao durog

Dahil dito, nabunggo nito ang kasalubong na Isuzu Elf Canter truck na minamaneho naman ni Roselo Canday, 43 anyos, ng Panutungan Tibungco, Davao City.

KORONADAL CITY  , Philippines  —  Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Purok Masagana, Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato, kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ng Polomolok Police ang mga biktima na sina Rey Vincent Hernandez, 17-anyos at angkas nitong si Roger Puertas, 46, CAFGU member. Sa ulat, alas-12:00 ng madaling araw, habang binabagtas ng mga biktima ang national highway mula sa kanilang lugar sa Barangay Pagalungan patungong Poblacion, Polomolok, nang pumihit ang motorsiklo na minamaneho ni Hernandez sa gitnang lane pagsapit sa Purok Masagana, Pagalungan.

Dahil dito, nabunggo nito ang kasalubong na Isuzu Elf Canter truck na minamaneho naman ni Roselo Canday, 43 anyos, ng Panutungan Tibungco, Davao City. Dahil sa lakas ng banggaan, nakaladkad pa ng trak ang motorsiklo ng mga biktima na pawang dead-on-the-spot. 
 

Show comments