MANILA, Philippines – Isang araw bago ang ikalawang anibersayo ng kanyang pag-upo sa puwesto, binisita ni Bise Presidente Leni Robredo ang lalawigan ng Basilan para magbigay-tulong sa mga nagangailangan, ngayong Biyernes, ika-29 ng Hunyo.
“Tingin ko very symbolic na nandito ako sa Basilan, kasi ito naman iyong promise ko,” ani Robredo.
Unang binisita ni Robredo ang bayan ng Sumisip kasama ang Dualtech para kumaalap ng mga out-of-school youth para tulungan magkaroon ng magandang buhay.
“Iyong target natin, first batch, 20-so 20 na taga-Sumisip iyong dadalhin natin sa Calamba, Laguna, para mag-training sa electronics, technology, tapos ano ito, on-the-job training na kaagad after six months,” aniya.
Ang Dualtech ay isang training facility na kung saan ang mga mag-aaral ay sinasanay sa tunay na karanasan sa pagtratrabaho.
Nakipagusap naman si Robredo sa mga lokal na opisyal at militar ng lalawigan, kung saan nalaman niya ang malaking pagbabago sa lugar.
“Sinasabi nila na in the past several years, bumuti na nang grabe, at maraming dahilan kung bakit bumuti,” pahayag ni Robredo.
“Noong naging maayos na raw iyong circumferential road around the province, yung mga local roads, ang laking tulong niya na maibsan iyong terorismo,” dagdag niya.
Ngunit hindi ito naging hadlang kay Robredo para tumigil ng maghanap ng paraan para pagtulog.
Ihinalimbawa ng bise presidente ang sitwasyon ng mga maghahabi sa bayan ng Lamitan na kung saan kumikita lamang sila ng P100 kada metro.
Balak ni Robredo na magbigay tulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pasilidad at kagamitan at pagbuo ng kooperatiba.
Naupo si Robredo noong ika-30 ng Hunyo, taong 2016 at nangakong tutulong sa mga kababayan bilang bise presidente.