MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pag-uusap kahapon ang mga lider ng Philippine National Police at Catholic Bishops Conference of the Philippines para pag usapan ang karapatang pantao at pagpaslang sa tatlong pari.
Pinangunahan ni PNP chief Director General Oscar Albayalde at CBCP Public Affairs head Bishop Rey Evangelista at iba pang matataas na opisyal ng kapulisan at kaparian ang nasabing consultative meeting sa Intramuros, Manila.
Sinabi ni Albayalde na sa pulong ay napag-usapan nila ang mga kaso ng tatlong paring napatay kung saan hindi umano ito konektado sa isat-isa.
Mayroon din umanong iba’t-ibang motibo sa nasabing pagpatay at walang pattern sa lahat ng nasabing insidente.
Nagkasundo rin umano sila na huwag mag-armas ang mga pari at ipinaalam nina Albayalde na hindi ito mahalaga dahil ang mga pari mula sa Laguna ay nagsuko na ng kanilang mga armas.