MANILA, Philippines — Hindi na dapat makinabang sa kanilang desisyon ang walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto laban sa pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, dapat tanggihan ng mga nasabing SC Justices ang nominasyon upang maging punong hukom.
Bukod dito, dapat din umanong ma-diskwalipika sa posisyon bilang Chief Justice ang mga mahistrado na nakatakdang sampahan ng reklamong impeachment sa Kamara dahil sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
Paliwanag pa ni Lagman, na ang impeachment complaint ay katulad ng nakabinbing administrative o criminal cases kung saan ang may kinakaharap nito ay bawal matalaga sa hudikatura.
Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, dapat mahiya ang mga nasabing mahistrado.
Ang pag-i-inhibit umano sa pag-a-apply sa posisyon bilang Chief Justice ay common sense at basic decency.