^

Bansa

25 OFWs sa Qatar binigyan ng clemency

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
25 OFWs  sa Qatar  binigyan ng clemency
Ayon kay Bello, ang 25 overseas Filipino workers (OFWs) ay uuwi na sa bansa sa lalong madaling panahon.
AP

MANILA, Philippines — Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pinagkalooban ng royal pardon ng Emir of Qatar ang 25 manggagawang Filipino na nakulong dahil sa iba’t ibang pagkakasala sa katatapos na buwan ng Ramadan.

Ayon kay Bello, ang 25 overseas Filipino workers (OFWs) ay uuwi na sa bansa sa lalong madaling panahon.

Nabatid na ang mga nakulong na OFWs  ay may kaso ng talbog na tseke, bawal na droga at pakikiapid o adultery at ilang buwan na silang nakadetine.

Kaugnay nito, ipinabatid ng kalihim sa Emir ng Qatar Sheikh Tamim Bin Hammad Al Thani ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang iginawad na awa sa 25 OFWs.

Patunay aniya ito ng matibay na relasyon ng dalawang bansa.

Si Bello ay dumalo sa selebrasyon ng Philippine Independence Day na natapat sa pagdiriwang ng Ed’l Fitr  inorganisa ng Philippine embassy sa Doha kung saan dumalo ang 4,000 Filipino migrant workers na sinaksihan din nina Qatar minister of Administrative Development, Labor and Social Affairs, Dr. Essa Bin Saad Al Jafali Al Nuaimi at iba pang Qatari officials.  

EMIR OF QATAR

RAMADAN

SILVESTRE BELLO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with