^

Bansa

Peace talks sa Pinas gawin – Drilon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Peace talks sa Pinas gawin – Drilon
Ayon kay Drilon na nag­silbing negosyador sa usapang pangkapayapaan sa mga nagdaang administrasyon, suportado niya na gawin ang usapan sa loob ng bansa.
Senate PRIB/File

MANILA, Philippines — Sinuportahan kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pana­wagan ni Pangulong Du­ter­te na sa loob ng Pilipi­nas na lang gawin ang pakikipag-usap sa National Democratic Front (NDF).

Ayon kay Drilon na nag­silbing negosyador sa usapang pangkapayapaan sa mga nagdaang administrasyon, suportado niya na gawin ang usapan sa loob ng bansa.

“I support the President’s decision. The venue of the next round of peace negotiations with the rebel groups should be the Phi­lippines,” pahayag ni Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na panahon na upang baguhin ang lugar ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF.

Hindi rin aniya dapat maging hadlang sa usapang pangkapayapaan ang pagbabago sa lugar.

Bagaman at nagkaroon ng mahalagang papel ang Norwegian government sa peace process, panahon na aniya na sa Pilipinas naman gawin ang pakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

Pinuna rin ni Drilon na palaging sa labas ng bansa nangyayari ang pag-uusap kung saan mayroon pang third party pero wala namang nangyayari.

Naniniwala si Drilon na kung sa Pilipinas gagawin ang peace talks, mas la­lakas ang kumpiyansa ng dalawang panig sa gaga­wing pag-uusap.

Wala anyang dahilan para tumanggi ang mga rebeldeng grupo kung talagang sinsero ang mga ito na magkaroon ng kapa­yapaan.

SENATE MINORITY LEADER FRANKLIN DRILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with