Golez pumanaw na!
MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na si dating Parañaque Rep. at National Security adviser Roilo Golez.
Ito ang kinumpirma ni Hous Majority leader Rodolfo Fariñas sa isang text message matapos na tumawag sa kanya si Quezon Rep. Danilo Suarez.
Kinumpirma rin ito ng anak ni Golez na si Parañaque Vice Mayor Rico Golez.
Si Golez, 71, ay nagsilbi bilang National Security adviser mula toang 2001 hanggang 2004 sa ilalim ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Matapos sa pulitika ay nagsilbi si Golez bilang isang advocate ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
- Latest