Tag-ulan na – PAGASA

Ang pag-uulan ay dulot ng pinagsamang epekto ni Domeng at habagat kayat maulan sa Aurora, Bataan, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas; gayundin sa nalalabing bahagi ng Luzon gayundin sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Visayas.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Ayon kay Cris Perez, weather specialist ng PAGASA, nakapagtala sila ng matitinding pag-uulan sa nagdaang mga araw hanggang sa kasalukuyan na indikasyon na tag-ulan na sa bansa.

Ang pag-uulan ay dulot ng pinagsamang epekto ni Domeng at habagat kayat maulan sa  Aurora, Bataan, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas; gayundin sa nalalabing bahagi ng Luzon gayundin sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Visayas.

Kaugnay nito, lumakas naman ang bagyong Domeng kahapon habang kumikilos pa-hilagang silangan. Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Domeng ay namataan sa layong 655  kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa  65 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.

Si Domeng ay kumikilos pahilaga hilagang silangan sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na mag-ingat sa banta ng flashfloods at landslides. 

Show comments