^

Bansa

Testimonya ni Veloso hinarang ng korte

Pilipino Star Ngayon
Testimonya ni Veloso hinarang ng korte

MANILA, Philippines – Hindi pa mailalahad ni convicted drug mule Mary Jane Veloso ang kanyang salaysay matapos ibasura ng Court of Appeals ang apela ng gobyerno na hayaan ang lokal na korte ang mag-obserba ng kanyang sasabihin.

Ibinasura ng dating Eleventh Division ng appellate court ang mosyon ng Office of the Solicitor General para muling isaalang-alang na baguhin ang issuance of a preliminary injunction ng CA sa desisyon ng lokal na korte na payagan si Judge Anarica Castillo-Reyes na kunin an testimonya ni Veloso.

Sa pamamagitan ng OSG, ibinasura ng korte ang apela ng gobyerno dahil sinabi nito na mababalewala ang karapatan ng akusado – ang recruiter ni Veloso na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao – para komprontahin at i-cross examine ang witness sa kaso.

“By insisting that we should reconsider our decision dated Dec. 13, 2017 and allow the taking of the testimony of [Veloso] by deposition upon written interrogatories in Yogyakarta, Indonesia, in effect, the OSG would want us to disregard Section 14, of the 1987 Constitution,” ayon sa desisyon na sinulat ni Associate Justice Ramon Bato Jr.

Tumatayong abogado nina Sergio at Lacanilao ang Public Attorney's Office habang si Edre Olalia ng National Union of People's Lawyers ang abogado ni Veloso.

Sinabi ng CA na ang gobyerno ng Pilipinas ay maaring gamitin ang Article 15 of the Treaty on Mutual Legal Assistance in Criminal Matters na parehong may lagda ng Indonesia at Pilipinas.

“[T]he Philippine government can request with consent of Indonesia to temporarily transfer the custody of [Veloso] to the Philippine government to allow her for a limited period to testify in the Philippine Courts with the express undertaking to return immediately to Indonesia after termination of her testimony in court,” sabi ng ruling.

Iginiit ni Veloso na siya ay naloko ng pagbitbitin siya ng bagahe na may heroin papasok ng lndonesia.

Dahil dito ay na hatulan siya ng parusang kamatayan ng gobyerno ng Indonesia.

Sa apela ng dating Pangulo Benigno Aquino III at sa pagsuko ng hinihinalang recruiters sa Pilipinas, ipinagpaliban ang pagsasakatuparan ng kanyang sintensya noong April 29, 2015.

Si Sergio and Lacanilao ay ngayon ay kumakaharap sa kasong human trafficking at ngayon ay nasa kostodiya ng kapulisan. 

DRUG MULE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with