P647.11-M info drive ng PCOO pinaiimbestigahan
MANILA, Philippines — Nais ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang diumano’y maanomalyang P647.11 milyon information drive na isinagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) summit ng nakaraang taon.
Sa Senate Resolution No 735 na inihain ni Trillanes, sinabi nito na dapat imbestigahan ang sinasabing iregularidad tungkol sa disposisyon ng budget ng PCOO para matiyak na tamang nagagamit ang pondo ng gobyerno.
Matatandaan na noong 2017, ang Pilipinas ang nag-host sa high profile summits bilang chairman ng ASEAN kung saan ang PCOO ang inatasan na magpakalat ng impormasyon sa publiko tungkol sa nasabing pagtitipon.
Noong Mayo 9, 2018, base sa news report, napatunayan umano ng Commission on Audit (COA) na may mga anomalya sa 2017 PCOO CMASC information caravan na nagkakahalaga ng P647.11 milyon.
- Latest