Pananagutan ng LTFRB sa GRAB idiniin

MANILA, Philippines — May pananagutan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa ginagawang paghihigpit sa GRAB at iba pang Transportation Network Vehicles (TNVs.)

Ayon kay House of Representatives Committee on Metro Manila Deve­lopment Chairman Winston Castelo, naghihigpit ang LTFRB sa GRAB subalit panay naman ang tanggap ng regulatory agency ng aplikasyon para sa permit na hindi naman pinoproseso.

Sinabi pa ni Castelo na kailangang linawin ng LTFRB sa publiko kung bakit panay ang tanggap ng ahensya ng permit applications ng mga TNVs gayong may objective na bawasan ang pagsisikip ng mga daan sa Metro Manila dahil sa matinding traffic.

Paliwanag naman ng kongresista, ang ginagawa ng LTFRB ay unfair o hindi patas para sa mga drivers na namuhunan gamit ang kanilang mga pinaghirapan para sumali sa ride-hailing app companies subalit nanganganib na maparusahan dahil sa napakabagal na pagpoproseso sa kanilang aplikasyon.

Show comments