Government employees pinagpa-file ng SALN
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang lahat ng government officials at mga empleyado na mag-file ng kani-kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) bago sumapit ang April 30, 2018.
Ayon kay Ombudsman Morales, ang naturang hakbang ay responsibilidad ng lahat ng mga tauhan ng gobyerno kayat dapat itong gawin kung hindi ay mapaparusahan ng batas.
Ang mga mabibigong mag-file ng SALN ay maaaring masuspinde sa trabaho ng mula isa hanggang anim na buwan sa first offense, at pagdismis sa trabaho sa second offense at maaaring mabawi ng pamahalaan ang kanilang mga ari-arian at yaman.
- Latest