160,000 pulis idedeploy
Sa Brgy at SK election
MANILA, Philippines — Nakatakdang magpakalat ang Philippine National Police ng aabot sa 150,000 hanggang 160,000 pulis sa mga polling precincts upang tiyakin ang seguridad at katiwasayan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa bansa.
Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, 90% mula sa 190,000 kabuuang puwersa ng kapulisan ang kanilang ipapakalat sa halalan.
Ang nalalabi namang puwersa ng PNP ay mananatiling naka-standby at handang magresponde sa anumang kaganapan.
Inihayag nito na partikular na mahigpit na babantayan ay ang nasa 5,744 mga barangay sa bansa na nasa areas of immediate concern o mga hotspots kaugnay ng mahigpit na banggaan ng mga kandidato at maging ang mga lugar na may presensya ng mga armadong grupo.
- Latest