MANILA, Philippines — Bagamat mayroon pa rin mga insidente ng paglabag, maituturing pa rin na mapayapa ang unang araw ng paghahain ng certificates of candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections at pagpapatupad ng gun ban.
Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao na hanggang kahapon ay may tatlong minor incidents lang ang kanilang naitala.
Sinabi ni Bulalacao na ang mga paglabag sa gun ban ay naitala sa Cadiz City, Bulacan at ang encounter sa Batangas.
Nilinaw naman niya na hindi lamang ang mga naka-motorsiklo ang sisitahin ng mga pulis kundi lahat ng motorista anumang uri ng sasakyan kaya dapat silang makipag-cooperate.
Umapela rin si Bulalacao na igalang ng mga motorista at drivers ang mga pulis na nagtsi-check point, makipagtulungan at sumagot ng maayos para hindi sila pagdudahan ng mga kapulisan.
Iginiit pa ng tagapagsalita ng PNP na layunin ng checkpoint at gun ban na magkaroon ng mapayapa at maayos na eleksyon.