Ugat nina Digong at Bong Go, tinunton

Ito ang nalaman nila Duterte at Go sa pakiki­pagpulong nila kay Jinping sa Boao Forum for Asia kung saan napag-usapan nila kung saan nagmula ang kanilang great-great grandmother.
Presidential photo

MANILA, Philippines — Nadiskubre nina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go na iisa ang ugat na pinanggali­ngan nila ni Chinese Pres. Xi Jinping.

Ito ang nalaman nila Duterte at Go sa pakiki­pagpulong nila kay Jinping sa Boao Forum for Asia kung saan napag-usapan nila kung saan nagmula ang kanilang great-great grandmother.

Dito na rin na-trace ni Duterte na ang kanyang ninuno ay mula sa Fujian Province, China.

Tinanong din ni Pres. Xi si SAP Go kung saan Chinese province siya nagmula at kanyang pamil­ya matapos niyang mabanggit na ang kanyang ninuno ay isang Chinese.

Pinuri naman ng Pa­ngulo ang China at si Xi bago siya umalis.

Samantala, bago magtungo sa China, sinabi ni Duterte na ang Pilipinas ay kailangan ng malalim na pakikipag-ugnayan sa Beijing dahil ang China ay handa naman na mag-invest sa Pilipinas.

“I need China. More than anybody else at this point, I need China,” ani Duterte. “I simply love Xi Jinping. He understood, he understands my problem and is willing to help, so I would say thank you China,” dagdag ng Pa­ngulo.

Naniniwala naman ang Chinese observers na ang Sino-Filipino friendship ay model para sa regional at global relations na may equal at win-win coope­ration.

“Bilaterally, the Philippines is showing how complex relations are not a bar to a positive and mutually beneficial engagement,” ayon pa kay  Duterte.?

Inihalimbawa rin niya ang role ng China sa pagbibigay ng suporta na $69 bilyon sa “Build, Build, Build” infrastructure program, na magbibigay ng solid backbone para sa paglago.

Show comments