^

Bansa

Suhulan sa pagpapatalsik kay ex-CJ Corona inamin ni Jinggoy

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni dating Senador Jinggoy Estrada na nagkaroon ng suhulan upang mapatalsik sa puwesto si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa ginanap na forum sa Maynila, sinabi ni Estrada na inalok silang opposition se­na­­tors na maghanap ng proyekto ni Sen. Franklin Drilon na noo’y chair­man ng committee on finance.

Umaabot sa P50 mil­yon ang pondong ilalaan sa bawat proyekto umano nila nina senador Bong Revilla at Juan Ponce Enrile habang ang mga nasa administration senators ay aabot sa P90 hanggang P100 milyon.

Dahil dito ay nagkaroon umano ng selective justice kung saan sila lamang ni Revilla ang nakulong.

Ayon kay Estrada, hindi naman gagawin ng administrasyon na manuhol upang patalsikin si CJ Justice Ma. Lourdes Sereno.

Laking pasasalamat lamang ni Estrada na napagbigyan ng Sandiganbayan ang kanyang petition na makapagpiyansa.

Samantala, nilinaw din ni Estrada na totoo ang imbitasyon sa kanya ng Fil-Am group sa Michigan subalit  hindi lamang niya alam na si Loida Lewis Nicolas ang presidente ng chapter.

“Pero kung dilawan ang magsasalita, magre-react kaya siya?” ani Estrada.

Nagbigay din ng reaksiyon si Estrada sa kung ano ang gagawin nito kay Sen. Antonio Trillanes sakaling pata-yan siya nito ng mikropono tulad ng ginawa nito (Trillanes) kay da-ting senador Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Estrada, sasapakin niya si Trillanes dahil pambabastos na ito sa kanya lalo pa’t pareho lang silang inihalal ng bayan.

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with