6-buwang ultimatum vs mining companies

‘Open pit mining’ ban na sa 2019

MANILA, Philippines — Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ultimatum ang mga mining companies ng anim na buwan upang maisagawa ang reforestration sa lugar ng kanilang pinagmiminahan.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Davao City kahapon bago tumulak patungong China, anim na buwan ang ibinigay niyang palugit sa mga mining companies upang maisagawa nila ang reforestration sa area ng kani-kanillang operasyon.

“I am giving mining companies six months to reforest their areas of operation,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Aniya, sa susunod na taon ay ipagbabawal na niya ang open pit mining operations sa buong bansa.

“Next year I will ban all “open pit mining” in the country,” dagdag pa ni Duterte sa mediamen sa Davao international airport matapos ang kanyang departure speech.

Show comments