^

Bansa

Pillbox sumabog: 3 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang tatlo katao kabilang na ang isang ginang sa pagsabog ng isang pillbox sa Purok Sampalok, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City kamakalawa. 

Kinilala ng City PNP Chief, Police Sr. Supt. Rolly Octavio ang sugatang biktima na si Lelita Sangayan Paran, 38-anyos na residente sa lugar. 

Ayon kay Octavio, bukod kay Paran ay may dalawang iba pang mga residente na hindi pina­ngalanan ang nagtamo ng mga galos at sugat dahil sa insidente. 

Sabi ni Octavio, batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, pasado alas-7:00 ng gabi ay mayroon umanong hindi pa nakikilalang mga kabataang lalaki na sakay ng motorsiklo na tumigil sa flyover at saka inihulog ang naturang pillbox. 

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos sumabog ang nasabing pillbox. 

Narekober ng mga rumespondeng Explosive and Ordnance Disposal Unit ng PNP ang ilang bahagi ng sumabog na pillbox.

Posible umanong may kinalaman sa insidente ang pagbabanta ng mga magulang ng dalawang mga holdaper na nadakip ng mga tanod ng naturang barangay nitong Marso 6.

vuukle comment

PILLBOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with