^

Bansa

Divorce bill isasalang na sa plenaryo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Divorce bill isasalang na sa plenaryo

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pangunahing may akda ng dissolution of marriage na aayusin na lamang ang mga amendments ng consolidated bills at pagkatapos ay ikakalendaryo na ito para pagdebatihan sa susunod na linggo. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isasalang agad sa susunod na linggo sa plenaryo ng Kamara para pag debatihan ang panukalang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pangunahing may akda ng dissolution of marriage na aayusin na lamang ang mga amendments ng consolidated bills at pagkatapos ay ikakalendaryo na ito para pagdebatihan sa susunod na linggo.

Tiwala naman si Speaker na maipapasa ang diborsyo sa bansa dahil maituturing na umano itong long overdue at ang Pilipinas na lamang maliban sa Vatican ang walang batas sa Divorce.

Hindi naman kasama sa grounds ng divorce ang panukala ni Alvarez na chronic unhappiness ngunit idinagdag naman sa grounds ang chronic gambling o pagkakalulong sa sugal ng kapareha at kung 5 taon nang hiwalay ang mag asawa

Sinabi ni Alvarez na sa ganitong sistema ay hindi na lamang para sa mayayaman ang divorce dahil kahit sino, basta namomrublema sa kanilang marriage, ay maaaring maghain ng divorce.

Tiniyak naman ni Buhay partylist Lito Atienza na haharangin niya ang divorce bill sa plenaryo.

Giit ni Atienza, ipiprisinta niya sa mga kapwa kongresista ang mga datos sa Amerika na maraming mga dahilan ng pamamaril ng mga kabataan doon ay mula sa mga magulang na divorced na.

DIVORCE BILL

HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with