MANILA, Philippines — Hindi na ikinagulat pa ng Malacañang ang pagbasura ng Ombudsman sa kasong plunder ni Pangulong Duterte na isinampa ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi dapat idemanda ang nakaupong Pangulo ng Republika dahil ito’y may immunity from suit.
Sinabi pa ni Panelo, talagang madi-dismiss lamang at walang patutunguhan ang kaso laban kay Pangulong Duterte kahit pa mag-file ng motion for reconsideration.
Aniya, basic knowledge ito at parang sirang-plaka lamang si Trillanes na gumagawa lang ng kasinungalingan.
Ang rekomendasyong terminasyon sa reklamo ay inaprubahan ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos.