^

Bansa

‘No way sa diktador’

Rudy Andal at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘No way sa diktador’

Ito ang reaksiyon ng ilang senador at kongresista sa pag-amin ni Pangulong Duterte na dictatorial style ang kanyang ginamit na pamumuno sa bansa dahil kailangan ito. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi kailangan ng bansa ng isang diktador.

Ito ang reaksiyon ng ilang senador at kongresista sa pag-amin ni Pangulong Duterte na dictatorial style ang kanyang ginamit na pamumuno sa bansa dahil kailangan ito.

“Hindi kailangan ng Pilipino ang isang diktador (Filipinos do not need a dictator),” sabi ni Sen. Bam Aquino.

Nagbabala naman si Sen. Panfilo Lacson na ang pahayag na ito ni Duterte ay maaaring makaapekto sa nakasampang kaso sa kanya sa ICC.

“Those are words that won’t help his present issue with the ICC. He is of course exaggerating since we all know there is no dictatorship prevailing in the country. He might be referring to his style of leadership towards his subalterns in the executive,” paniniwala ni Lacson.

Suportado naman ni Senate President Koko Pimentel ang ginamit na estilong ito upang madi­siplina nito ang mga taong gobyerno na patuloy sa corruption.

“Style lang naman yon and he can and should do that within his branch the executive branch. Dapat super strict sya para nga may mangyari,” wika ni Pimentel.

Inamin ni Pangulong Duterte na gumamit siya ng estilo ng pagiging diktador upang mapabuti ang bansa.

“If you say dictator, well, I am really a dictator. Because if I don’t [act like a] dictator, nothing will happen to our nation. That’s true,” sabi pa ng Pangulo.

“I had to. Besides you have chosen me as your president,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Binuweltahan din ni Duterte ang mga aktibistang binabansagan siyang tuta ng Estados Unidos at iginiit nitong isang malaking insulto ito para sa kanya.

“When did I become a puppet of the Americans?” giit Pangulo.

Magugunita na ilang ulit nang sinabi ng Pangulo na wala siyang intensyon na maging diktador at hinamon pa niya ang militar na arestuhin siya kapag umabuso sa kapangyarihan.

Aniya, handa rin siyang maagang bumaba sa puwesto basta maaprubahan na ang federal system of government.

Giit naman ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin, isang diktador na ang nagpahirap at nagbigay pasakit sa taumbayan kaya hindi ito dapat ginagawang biro ng Malacanang.

“Dictators bring down a country, bring pain and untold sufferings to people and the children who will have a traumatized future. And this is no joke nor a trivial matter that can be spinned by Malacanang,” ayon pa kay Villarin.

Para naman kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, hindi na kailangan pang aminin ng Pangulo na diktador siya dahil “obvious” naman.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with