Unang batch ng GrabScholar ng Grab Philippines, matagumpay na nagsitapos

MANILA, Philippines — Ipinagmamalaki ng Grab Philippines, ang unang batch ng kanilang GrabScholar na mga nagsipagtapos sa kolehiyo, bilang unang produkto mula sa hanay ng mga kabataan na kanilang kinalingan, sinanay, at hinubog na nagtataguyod na ngayon ng kani-kanilang pamilya at magsisilbing magandang ehemplo para sa ating bayan.
Nakapagtapos na sa kolehiyo ang unang limang full-ride scholars ng GrabScholar, habang umabot na sa halos 2,000 Pilipino ang natulungan ng programa sa pamamagitan ng tatlong track: college scholarship, tulong pinansyal para sa gamit pang-eskwela, at BPO skills training.
Isang malaking milestone ang naitala ng Grab Philippines matapos makapagtapos ang limang pioneering scholars bilang kauna-unahang GrabScholar college graduates sa Southeast Asia.
Ang mga nagsipagtapos na sina Cesario Cabuello III, Mary Flor Valerie Rull, John Lloyd Villa, Jasmine Nicanor, at Jessa Mae Tabares na may degree sa edukasyon, business at finance, at tatlo sa kanila ay nagsimula na sa kanilang trabaho.
Si Cabuello ay isa nang senior high school teacher sa PHINMA Saint Jude College Quezon City, habang si Nicanor ay kasalukuyang intern sa gobyerno sa Iloilo. Si Tabares, na nagtatrabaho bilang corporate legal assistant, na naghahanda sa Licensure Examination for Professional Teachers kasama sina Rull at Villa.

Determinadong pagpupursige
Si Tabares, na nagtapos ng Education major in English ay nagbigay ng talumpati para sa mga graduates sa awarding ceremony kamakailan.
“Noong kolehiyo na, halos kumbinsihin ko ang sarili ko na hindi lang para sa akin ang pag-aaral ko, dahil ayaw kong maging pabigat sa pamilya. Tapos dumating ang GrabScholar. Hindi lang ito tungkol sa diploma — binigyan kami nito ng komunidad na naniwala sa amin kaysa noong mas madali kaming sumuko na lamang. Ngayon ay natulungan kaming umangat, kami naman ang mag-aabot ng kamay para tulungan ang iba na umusad din," hamon ni Tabares.
Si Tabares, na nagsilbi ring working student sa Grab Iloilo sa loob nang halos tatlong taon, na nagkuwento kung paano napagaan ng scholarship ang gastusin ng kanyang pamilya.

Mula nang ilunsad ang proyekto noong 2023, nakapagbigay-suporta na ang GrabScholar sa humigit-kumulang 2,000 Pilipino sa buong bansa. Nakapagbigay na ito ng 30 full college scholarships, tulong sa gastusin sa eskuwela para sa 1,500 elementary at high school students, at para lalong hinangin ang kanilang talino sa pamamagitan ng skills training para sa 400 indibidwal upang makapasok sa industriya ng BPO.
Ngayong taon, bukas-palad na tinanggap naman ng GrabScholar ang ikalimang batch ng scholars.
Katuwang ang GrabForGood Fund sa pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress (PBSP) at BagoSphere na nagbibigay ang GrabScholar ng suporta na higit pa sa tuition — kabilang ang learning materials, living allowance, development programs, internships, at career opportunities.
Ayon kay CJ Lacsican, President ng Grab Financial Group Philippines: "Kilala ang Grab sa rides, deliveries, at financial services. Pero parte lang iyan nang mas malaking misyon: ang lumikha ng oportunidad... Ang tagumpay ng limang graduates ay patunay kung ano ang kayang buuin kapag nabigyan ng tunay na pagkakataon."
Ayon naman kay PBSP Executive Director Elvin Ivan Uy, pinatunayan ng unang batch na mahalaga ang tuluy-tuloy na pamumuhunan sa edukasyon.
Pinuri rin ni Singapore Ambassador to the Philippines H.E. Constance See ang programa sa paghahanda sa workforce.
Muling pinagtibay ng Department of Education ang suporta sa public-private initiatives. Ayon kay DepEd Undersecretary Hon. Edson Sy, sa mensahe ni Secretary Sonny Angara: "Lubos na nagpapasalamat ang DepEd sa mga organisasyong tulad ng Grab Philippines na handang tumulong at lumikha nang mas maraming oportunidad para sa ating mga mag-aaral."

Magpapatuloy ang Grab Philippines, kasama ang PBSP, BagoSphere, at mga katuwang sa gobyerno sa layuning gawing mas accessible ang edukasyon at skills development.
Ito ay taos-pusong handog ng Grab Philippines sa mga kabataang Pilipino, upang maabot ang kanilang mga pangarap at para sa magandang bukas ng ating lipunan at bansa.
Editor’s Note: Ang press release na ito para sa Grab Philippines ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar.com.
- Latest























