Pagdawit kay Bong Go pakana ng mga kalaban
MANILA, Philippines — Naniniwala ang ilang kongresista na pakana ng mga kalaban ni Pangulong Duterte ang pagdadawit kay Special Assistant to the President Bong Go sa sinasabing iregularidad sa Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy.
Ayon sa magkapatid na sina House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles at PBA partylist Rep. Jericho Nograles, ginagawan lamang nila ng butas si Go para isabit ito sa P15.7-billion frigate deal ng Phl Navy.
Paniwala ng magkapatid na Nograles, na ang pagbibira kay Go ay hack job ng mga kalaban ng administrasyong Duterte at fishing expedition at ang layunin lamang ay siraan ang Presidente sa pamamagitan ng pinakamalapit sa kanya.
Sinabi ni Rep. Karlo na lahat na ay naibato sa Pangulo subalit hindi umubra kaya si Go naman ang puntirya ngayon ng mga katunggali ni Duterte.
Desperado na umano sila dahil pataas nang pataas ang ratings ng Pangulo.
Para naman kay Rep. Jericho, pilit na pilit ang kontrobersiyang ito dahil kung susuriing mabuti ang timeline ng proyekto ay walang pagkakataon si Go para manghimasok dito.
- Latest