Margie Moran-Floirendo at Magalong binigyan ng puwesto
MANILA, Philippines — Binigyan ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating beauty queen Margie Moran Floirendo at retired police Gen. Benjamin Magalong.
Inilabas ang appointment papers ng dalawa noong nakaraang Biyernes.
Si Magalong ay itinalaga bilang isa sa mga miyembro ng board of directors ng Philippine National Oil Company kung saan ipagpapatuloy niya ang hindi natapos na termino ni Bruce Concepcion hanggang Hunyo 30 ng taong kasalukuyan.
Si Floirendo naman ay itinalaga bilang miyembro ng board of trustees ng Cultural Center of the Philippines.
Tatapusin ni Floirendo ang hindi natapos na termino ni Danilo Dolor hanggang Hunyo 30, 2018.
Si Floirendo ay kinoronahan bilang Miss Univerce noong 1973 at dating asawa ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr..
Bukod sa dalawa, itinalaga rin sa iba’t ibang posisyon ang mga sumusunod: Elizaldy Co bilang board member ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority; Crisostomo Gotladera bilang board member ng Home Development Mutual Fund; Eduardo Pelaez bilang board member ng Tourism Promotions Board, Maria Theresa Teves-Castaños bilang board member ng Food Terminal, Inc.;
Marco Magala Bautista bilang Tourism undersecretary, at Nelson Laluces bilang deputy director general sa Intellectual Property Office.
- Latest