MANILA, Philippines — Hinikayat ni Trade Sec. Ramon Lopez ang publiko na isumbong sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga groceries at supermarkets na magtataas ng kaduda-dudang presyo sa kanilang mga paninda.
Sinabi ni Lopez sa media briefing sa Malacañang, “very minimal” ang epekto ng TRAIN Law sa presyo ng mga bilihin kung isasama ang karagdagang excise tax sa kabuuang production cost.
Ayon kay Lopez, sa produktong petrolyo, ang epekto ng excise tax ay nasa 0.4 percent lamang kaya hindi dapat tataas ng sobra ang presyo ng gasolina at diesel.
Sa mga de latang sardinas na may timbang na 155 grams na kasalukuyang P13.45 ay tataas lamang ng P0.04 habang ang corned beef na ngayon ay nasa P33.50 ay tataas ng P0.07.
Maging ang mga noodles, sabon panglaba, gatas, meat loaf at loaf bread ay hindi dapat tataas ng P1.