Sept 21 araw ng protesta
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi special non-working holiday sa buong bansa ang darating na September 21 kundi idineklara niya itong “Day of Protest”.
“Hindi holiday ang Setyembre 21. Araw iyan ng protesta. Lahat ng gustong magprotesta, kabilang yaong nasa gobyerno, maaaring makapagdemonstrasyon,” paliwanag ng Pangulo sa isang ambush interview sa Caloocan City.
Walang pasok sa mga government offices at mga paaralan sa Metro Manila habang ang nasa private sector naman ay discretion na ito ng kanilang mga amo.
Magugunita na noong September 21, 1972 ay idineklara ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong bansa.
Sinabi pa ng Pangulo, maging ang media na mga underpaid ay puwedeng sumama sa kilos-protesta sa September 21 na idineklara niyang national day of protest.
Kami rin sa gobyerno ay magprotesta rin. Ang suweldo namin maliit, wala kaming mga equipment,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
May nakatakda ring gawing kilos-protesta sa Luneta na inilunsad ng ilang grupo para kondenahin ang mga extrajudicial killing na nagaganap sa bansa.
- Latest