Nat’l ID lusot sa 2nd reading
MANILA, Philippines - Lusot na sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Filipino Identification System o National ID System Bill.
Kaugnay nito ay tiniyak ng House appropriations committee na mapopondohan ang pagpapatupad ng House Bill 622, na isa sa mga priority measures ng Kamara.
Nakasaad sa ilalim ng panukala na magiging mandatory sa Pilipino na edad 18-anyos, na kumuha ng libreng national ID.
Bagamat libre sa pagkuha ng national ID, dapat namang magbayad kung magpapa-reissue daw nito.
Magiging repository ng lahat ng personal data para sa national ID ang Philippine Statistics Authority.
Mahigpit na ipinagbabawal naman ang paglabas ng personal data mula sa national ID kung wala namang kaukulang permiso, at sinumang lumabag dito ay mahaharap sa parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon.
Pagmumultahin din ang lalabag dito mula P60,000 hanggang 200,000.
- Latest