Reklamo ng taga-San Juan vs Zamora
MANILA, Philippines - Naghain kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ng reklamong pandaraya sa 2016 elections ang dalawang lehitimong residente ng San Juan City laban sa talunang mayoralty candidate na si Francis Zamora.
Sa 4-pahinang complaint nina Lucila Robles at Veradel Surmieda, lumabag si Zamora sa Omnibus Election Code sa pamamagitan ng vote buying para iboto siya ng mga botante sa kanilang lugar.
Anila, sa pamamagitan ng cash na ipinagkaloob bilang educational assistance pero may kapalit umanong paglagda sa isang papel na sa huli ay natuklasang ang pinirmahan ay Petition for Recall.
Nang tanungin umano kung bakit may nasa heading na “Petition for Recall”, isinagot lamang umano ng kampo ni Zamora na ang nilagdaan ay para sa “4Ps” o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Bago umano binigyan ng cash ang mga botante ay dumadaan pa sa screening at napipili lamang ang mga pro-Zamora o sumusuporta.
“I’ve been getting educational assistance from the local government through then Vice Mayor Zamora for 3 consecutive years. The set-up last year was different and it was difficult to request for assistance for my grandchild.
After getting assistance, I was made to sign a piece of paper. I saw the Petition to Recall on the paper’s heading,” ani Robles sa reklamo.
Gayundin ang inihayag ni Veradel Surmeida, na nagsabing siya man ay kailangan pang kumuha ng ‘Zamora ID’ para mai-claim ang educational assistance dahil sa ‘No Zamora ID, no assistance’ policy.” Isang Lily Martinez, kritiko ni Zamora, ang umalalay sa dalawang residente para ihain ang reklamo.
- Latest