DAP case vs Noy walang basehan
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na walang malinaw na batayan at ebidensiya na nagdidiin kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa anomalya sa Disbursement Acceleration Program.
Ito ang sinabi ni Morales sa programang The Source ng CNN Philippines dahil wala anya siyang nakikitang probable cause para managot ang dating chief executive sa DAP kaya walang dahilan para kasuhan ito hinggil sa naturang isyu.
Ang DAP ay isang paraan ng paghahati ng pondo ng pamahalaan sa iba’t-ibang ahensiya para pasiglahin ang ekonomiya ng ating bansa. Ang DAP ay naideklarang unconstitutional ng Korte Suprema.
Maluwag na tinanggap naman ni Morales ang desisyon ng Korte Suprema na madismis ang disbarment case na naisampa sa kanya ng talunang senatorial candidate na si Greco Belgica na humiling na maparusahan ang una dahil sa umanoy kawalang aksyon sa kaso ni Aquino sa DAP.
- Latest