P13-B utang ng mga magsasaka, ilibre na lang-Sen. Gatchalian

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat itigil na ng NIA ang pa­ngongolekta ng ISFs na mas nakakabawas sa napakaliit na kita ng mga magsasaka at nakakadagdag pa sa kanilang buwanang expenses.
Office of Sen. Sherwin Gatchalian, file

MANILA, Philippines - Dapat ilibre na lamang umano ng gob­yerno ang nasa P13 bilyong utang ng mga magsasaka at farming cooperatives sa National Irrigation Authority (NIA) para sa irrigation service fees (ISFs).

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Sherwin Gatchalian na naniniwalang dapat tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka na itinuturing aniyang backbone ng ekonomiya.

“Social justice demands that we lend a helping hand to these honest, hardworking farmers who are burdened by unfair debts. These people are the backbone of our agricultural sector, and government needs to look out for their welfare,” ani Gatchalian.

 Kasabay nito, iginiit ni Gatchalian na dapat itigil na ng NIA ang pa­ngongolekta ng ISFs na mas nakakabawas sa napakaliit na kita ng mga magsasaka at nakakadagdag pa sa kanilang buwanang expenses.

Dapat aniyang ma­ging libre ang irigasyon na lubhang kailangan ng mga magsasaka.

Nais ni Gat­chalian sa isinusulong na pa­nukalang batas na tanggalin na ang probisyon sa charter ng National Irrigation Administration (NIA) kung saan pinapahintulutan ang ahensiya na mango­lekta ng irrigation fees.

 Pinapahinto na rin ni Gatchalian ang pa­ngongolekta ng hindi pa nababayarang ISFs dahil idinagdag naman sa 2017 budget ng NIA ang P2 bilyong subsidy para sa Irrigation Fees.

Show comments