Rice importation, ‘hold’ muna- Piñol
MANILA, Philippines - Hindi muna itutuloy ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang nakabiting rice importation ng National Food Authority (NFA)
Ito ayon kay Pinol ay upang bigyang daan muna ng NFA ang pagbili sa mga anihing palay ng mga magsasaka ngayong buwan.
Binigyang diin ni Piñol na walang dahilan para payagan ang NFA council na makapag import ng 250,000 metric tons ng bigas mula abroad para gamiting buffer stocks ng bansa
Ayon sa Kalihim, madami ang mabibiling inaning palay ng NFA mula sa ating magsasaka dahil wala namang malalaking bagyo ang dumaan sa ating bansa sa nakalipas na ilang buwan laluna sa Northern Luzon, Southern Luzon at Mindanao.
Una nang hiniling ni NFA administrator Jason Aquino sa NFA council na payagan na lamang na magkaroon ng government to government procurement ng bigas sa halip na rice importation para magkaroon ng buffer stock ang ahensiya na magagamit sa panahon ng emergency o mga kalamidad.
Dati ay hindi rin pumayag si Aquino sa rice importation dahil sa uunahing pakinabangan ang ani ng local farmers pero agad nagpalabas ng order ang NFA council na mag-import ng bigas sa ibang bansa.
- Latest