MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si Davao del Sur Gov. Douglas Cagas ng graft at malversation kaugnay sa nawawalang P16 milyong pork fund at umano’y kickback na P9.3 million noong kongresista pa ng ikalawang distrito ng lalawigan noong taong 2007.
2 counts ng graft, 2 counts ng malversation at 1 count ng kasong direct bribery ang naisampa ng Ombudsman kay Cagas.
Inerekomenda naman ng Ombudsman na makapagpiyansa si Cagas ng P160,000 para sa naturang mga kaso para pansamantalang makalaya.
Sa kasong ito, kapwa akusado ni Cagas ang negosyanteng si Janet Napoles, dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut at iba pa.
Sinasabing nagkaroon ng ghost livelihood project si Cagas kakutsaba ang naturang mga akusado noong 2007 na hindi man lamang napakinabangan ng kanyang mga constituents dahil sa pagbubulsa lamang umano sa naturang pondo.