Wagi sa 2017 Manila Bay seasports festival

MANILA, Philippines -  Nakamit ng mga batikang bangkero mula sa Agoo, La Union ang kampeonato sa Stock at Formula Races ng  bancathon sa Manila Bay Seasports Festival noong linggo.  Si Ruben Quero, lulan ng bangkang Angilyn, ang nagwagi sa Stock Race, habang si Mark Kim Bantilan naman na piloto ng Patricia,  ang nanalo sa Formula Race.

Sa dragon boat championships, nakuha naman ng Philippine Navy ang mga kampeonato sa Open Standard division, Mixed Standard at Women’s Small Boat division. 

Ang  Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, EyeBerry, Executive Optical, at MyJuiz.

Show comments