Go signal sa Benham Rise hinihintay ng AFP
MANILA, Philippines - Hinihintay na lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang green light ng pamahalaan para maumpisahan ang pagpapatrulya kaugnay ng gagawing mapping survey sa Benham Rise.
Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nakahanda anumang oras ang militar na tumugon sa ipag-uutos ni Pangulong Duterte na magsagawa ng survey sa Benham Rise na sakop ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Kasunod ito ng ibinulgar ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na namonitor ng mga nagpapatrulyang aircrafts ng PAF at mga barko ng Philippine Navy ang survey ship ng China na umaaligid sa lugar.
Ipinahiwatig pa ni Lorenzana na posibleng nagsasagawa ng survey ang mga barko ng China upang maghanap ng lugar na maaring himpilan ng kanilang mga submarine.
Inihayag ni Padilla na may sapat na kakayahan ang AFP para magsagawa ng mapping survey sa Benham Rise.
Ayon sa opisyal, ilan sa mga barko ng Philippine Navy ay may kakayahan na gumawa ng mapping survey habang ang iba pang mga aircrafs ng PAF ay may kakayahan magsagawa ng aerial survey.
- Latest