Judge sa ‘Mighty’ inihabla

MANILA, Philippines -  Sinampahan ng kasong administratibo ng Bureau of Customs  sa Korte Suprema ang isang huwes kasunod ng inilabas nitong temporary restraining order pabor sa isang cigarette manufacturing company. Sa 24-pahinang complaint na inihain ni Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Presiding Judge Tita Bughao Alisuag ng Manila Regional Trial Court, Branch 1, hiniling nito na papanagutin sa  kasong gross ignorance of the law nang maglabas ito ng TRO laban sa BOC sa kabila ng kawalan umano nito ng hurisdiksyon at paglabag sa New Code of Judicial Conduct for exhibiting unquestionable bias and partiality pabor sa Mighty Corporation.

Show comments