Judge sa ‘Mighty’ inihabla
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong administratibo ng Bureau of Customs sa Korte Suprema ang isang huwes kasunod ng inilabas nitong temporary restraining order pabor sa isang cigarette manufacturing company. Sa 24-pahinang complaint na inihain ni Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Presiding Judge Tita Bughao Alisuag ng Manila Regional Trial Court, Branch 1, hiniling nito na papanagutin sa kasong gross ignorance of the law nang maglabas ito ng TRO laban sa BOC sa kabila ng kawalan umano nito ng hurisdiksyon at paglabag sa New Code of Judicial Conduct for exhibiting unquestionable bias and partiality pabor sa Mighty Corporation.
- Latest