Dagdag P1K SSS pension, 3x ibibigay sa Marso

MANILA, Philippines -  Matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang dagdag P1,000 pension ng mga SSS pensioners, matatanggap na nila ang paunang dagdag na benepis­yo sa susunod na buwan ng Marso.

Ang dagdag na pension ay retroactive kaya ang paunang P1,000 ay matatanggap sa ?March 3 para sa buwan ng January, P1,000 din sa ?March 10 para naman sa February at ang huling P1,000 ay sa ?March 17 para sa buwan ng Marso.

Pagdating ng Abril, matatanggap ang dagdag na P1,000 pension batay sa kung ano ang regular na schedule ng pagbibigay ng kanilang pensyon.

Kahapon, nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memorandum na nagbibigay ng go-signal ni Pangulong Duterte para sa dagdag pension.

Una nang sinabi ng SSS na bagaman handa na, ang utos na lamang mula sa Malakanyang ang kanilang hinihintay bago ipatupad ang P1,000 dagdag na pensyon.

Show comments