^

Bansa

AFP humirit ng ceasefire sa NPA sa Surigao

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela kahapon ang Armed Forces of the Philippines sa hanay ng mga rebeldeng New People’s Army  na huwag atakehin ang tropa ng mga sundalo na nagsasagawa ng humanitarian and disaster relief operations sa mga lugar na sinalanta ng 6.7 lindol sa Surigao City at iba pang lugar sa Surigao del Norte.

 Ito’y sa gitna na rin ng idineklarang all out war ni Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa NPA matapos namang suspendehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire noong Pebrero 3 ng taon at sumunod dito’y tinuldukan ang peace talks noong Pebrero 5 bunga ng serye ng mga bayolenteng aktibidad ng komunistang grupo.

 Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo sa NPA rebels na sa halip na maglunsad ng ambushcades at iba pang uri ng pag-atake sa panahon ng kalamidad ay bigyan ng pagkakataon ang mga sundalo na tulungan ang mga biktima ng lindol.

Ginawa ni Arevalo ang apela sa NPA rebels bunga ng mga insidente ng pag-atake ng mga ito sa tropang gobyerno na nagsasagawa ng pagtulong sa mga biktima partikular na sa panahon ng pagtama ng supertyphoon Yolanda sa Samar at Leyte partikular na sa Tacloban City  noong Nobyembre 2013.

 Kaugnay nito, minobilisa na ni Army’s 10th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang tropa ng mga sundalo para magsagawa ng rescue operation sa mga biktima ng lindol at patuloy rin ang pagtaya sa pinsala ng lindol.

 

DELFIN LORENZANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with