^

Bansa

Sabit sa Davao bombing? anak ng solon dinakip sa Malaysia

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines ---Dinakip at nasa kustodiya umano ngayon ng Malaysian authorities ang anak ni Moro National Liberation Front Chairman Muslimen Sema at Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema.  

Sa ulat ng online news source na Vera Files, mahigit dalawang buwan nang hawak ng Malaysian authorities si Datu Mohammad Abduljabbar Sema, 26 years old, at kasalukuyang kapitan ng Barangay Rosary Heights 7 ng lungsod.  

Ayon sa report ng DXMS-NDBC Cotabato City, si Sema ay naaresto noon pang November 24, 2016 sa Kuala Lumpur International Airport nang dumating siya doon mula sa Bangkok, Thailand lulan ng Air Asia flight AK 891.  

Nabatid na nagpadala na ng kinatawan ang gobyerno ng Pilipinas sa Malaysia para hingin ang kustodiya ni Sema. Si Sema ay inaresto dahil umano sa pagkakasangkot nito sa Davao City bombing noong September 2, 2016 na nag-iwan ng 14 katao patay at mahigit 70 sugatan.  

Sinasabing sinisikap ngayon ni Congresswoman Sema na tulungan ang anak sa pamamagitan ng paghingi ng saklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

Lumapit na rin umano si MNLF chairman Sema kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza para humi­ngi ng tulong kaugnay ng kasong kinakaharap ng kanyang anak.  

Samantala, kinumpirma naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na patuloy ang kanilang pagsisikap na maiuwi si Sema sa Pilipinas at makuha ang custody nito mula sa Malaysian government.  

Nilinaw naman ni Lorenzana na bagaman at posibleng magkakaroon ng implikasyon ang pagkakadakip kay Sema dahil mauupo na bilang miembro ng Bangsamoro Transition Commission o BTC ang ama nito, sinabi nito na kailangan pa rin itong madakip upang harapin ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya.  

Sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa 12 katao ang sangkot sa pambobomba sa Davao night market. Bukod kay Sema, pito pang mga suspek ang nasa custody na ngayon ng PNP.  

Tatlong suspects ang naaresto noong Oktubre  4 habang apat naman ang nadakip sa follow up operation noong Oktubre 29 sa sinasabing hideout ng mga ito sa Southern Philippine Development Authority Compound sa Cotabato City.  

Ang mga nadakip ay sinasabing miembro ng Maute Group.   Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng konkretong detalye ang mga awtoridad hinggil sa naging papel ni Sema sa Davao City bombing.  

Sinubukan naman ng NDBC, isa sa pinakamatandang radio station sa Mindanao, na kunin ang panig ng mga Sema hinggil sa ulat na ito su­balit hindi sila nagpa-unlak ng interview.

DAVAO BOMBING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with