4-anyos nene ni-rape ng 16-anyos adik

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isang 4-anyos na batang babae ang ginahasa umano ng kanilang kapitbahay na 16-anyos at pinaniniwalaang adik sa gitna ng palayan sa Barangay Viga, Lasam, Cagayan kamaka­lawa. Sa report na nakarating kay Chief Insp. Edgar Unista, hepe ng Lasam Police, natagpuan ng mga magulang ang batang itinago sa pangalang Remedios na nagdurugo ang ari at umiiyak sa bukirin matapos ang panggagahasa ng suspek. Ipinasuri si Remedios at ipinagamot sa Cagayan Valley Medical Center sa lungsod na ito habang isinuko naman sa pulisya ng ama kasama ang mga opisyal ng barangay ang binatilyong suspek na binansagang si Bheejay.

Show comments