MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan fifth division ang hiling ni dating Sen. Jinggoy Estrada na makapagpa-x-ray at MRI dahil sa iniindang sakit nito sa tuhod.
Sa pagdinig ng Anti-graft court, kaagad inaprubahan ng korte ang kahilingan ng kampo ng dating Senador kahit na hindi malinaw kung mayroon o walang kagamitan para sa MRI ang PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame.
Sinabi ni Atty. Wyne Tugadi, abogado ni Jinggoy na ngayon ang schedule na inaprubahan ng korte para dito subalit kailangan pa nilang i-check sa ospital kung maaaring gawin ang x-ray at MRI bandang tanghalian.
Nabatid na ang tuhod ng dating Senador ay sinuri ni Dr. Jose Syquia sa loob ng PNP detention center noong nakalipas na Disyembre 30 lamang.
Lumalabas sa findings niya na si Jinggoy ay may tinatawag na Patello Femoral pain syndrome.