^

Bansa

Jinggoy pinayagan magpa-x-ray ng korte

GOTCHA - Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan fifth division ang hiling ni dating Sen. Jinggoy Estrada na makapagpa-x-ray at MRI dahil sa iniindang sakit nito sa tuhod.

Sa pagdinig ng Anti-graft court, kaagad ina­­p­ru­bahan ng korte ang kahilingan ng kampo ng dating Senador kahit na hindi malinaw kung mayroon o walang kagamitan para sa MRI ang PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame.

Sinabi ni Atty. Wyne Tugadi, abogado ni Jinggoy na ngayon ang sche­dule na inaprubahan ng korte para dito subalit kailangan pa nilang i-check sa ospital kung maaaring gawin ang x-ray at MRI bandang tanghalian.

Nabatid na ang tuhod ng dating Senador ay sinuri ni Dr. Jose Syquia sa loob ng PNP detention center noong nakalipas na Dis­yembre 30 lamang.

Lumalabas sa fin­dings niya na si Jinggoy ay may tinatawag na Patello Femoral pain syndrome.

JINGGOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with