^

Bansa

Nina lumakas, residente pinapalikas

Angie dela Cruz at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Nina lumakas, residente pinapalikas

Inihanda na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang kanilang mga kagamitan na idedeploy sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Nina. (Krizjohn Rosales)

MANILA, Philippines – Lumakas pa ang bag­yong Nina na inaasahang magla-landfall sa Catanduanes ngayong araw ng Pasko.

Ayon sa PAGASA, tag­lay ni Nina ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 185 kilometro bawat oras. Si Nina ay kumikilos sa bilis na 15 kada oras.

Nakataas ang signal no. 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon at Masbate kasama na ang Ticao, Burias Islands, northern Samar at Eastern Samar.

Bunga nito, ipinatupad na kahapon ang ‘preemptive evacuation’ sa Camarines Sur at iba pang lugar sa Bicol Region.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region V, ipinag-utos na ni Camarines Sur Gov. Miguel Luis Villafuerte ang preemptive evacuation sa mga pamil­yang naninirahan sa mga flashflood at landslide prone area sa buong lalawigan.

Direktang inatasan ni Villafuerte ang mga mayor, brgy. captain at Municipal Disaster Risk Reduction Council (MDRRC) na ilikas ang mga residente na naninirahan sa mga peligrosong lugar hanggang alas-3 ng hapon nitong Sabado.

Kabilang sa mga ipinalilikas ang mga nakatira malapit sa mga pampang ng ilog, tabing dagat, paanan ng mga bundok at mga bahay na gawa lamang sa mahihinang uri ng materyales.

Samantala maging ang iba pang mga lalawigan sa Bicol Region na siyang inaasahang tatamaan ng bagyong Nina ay nagsimula na ring magsilikas.

Muli namang pinayuhan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad ang mga residente sa mga maapektuhang lugar na isagawa ang kaukulang pag-iingat at ang mga mangingisda maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat ay bawal munang maglayag.

Nakahanda na ang kanilang disaster officials na 24/7 na nakaalerto para sa pagtama ng bagyo.

Samantala ang mga search and rescue team ng pulisya at militar ay inalerto na rin ng PNP at AFP para tumulong sa mga residente na maaaring maapektuhan sa paghagupit ng bagyo.

Ngayong Pasko si Nina ay inaasahang nasa layong 475 kilometro silangan hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar at inaasahang lalakas pa oras na bumagsak sa lupa.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat dahil sa malalaking alon na dala ng bagyo.

Binalaan din ng PAGASA ang mga pampasaherong barko na huwag munang maglalayag laluna sa mga baybayin ng Northern Luzon, silangang dalampasigan ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with