^

Bansa

P3.35-T lusot na sa bicam

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakalusot na kahapon sa bicameral conference committee ang P3.35 trilyon panukalang national budget para sa susunod na taon.

Ngayong araw naman inaasahang mararatipikahan ng Senado ang panukala.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, chair ng Senate committee on finance, lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala sa Disyembre 22.

Ipinagmalaki naman ni Senate Minority leader Ralph Recto na nakapaloob sa 2017 national budget ang mga isinulong niyang amendments katulad ng P8 bilyong free college tuition fund na nasa budget ng Commission on Higher Education.

Kabilang din sa isinulong ng minorya sa Senado ang P397 milyong karagdagang pondo para sa mga bagong gusali at equipment para sa mga SUC.

Nadagdagan din ng P1 bilyon ang budget ng DSWD para sa school feeding.

Upang matiyak ang pagpasa ng panukala, pumayag ang mga kinatawan mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bersiyon ng Senado kaugnay sa P8.3 bilyong pondo na orihinal na nakalaan sa Autonomous in Muslim Mindanao.

Sa bersiyon ng Kamara, inilipat ang P8.3 bilyon mula sa ARMM sa DPWH pero tinanggal ito sa bersiyon ng Senado.

Na-adopt rin ng bicam ang panukalang paglalaan ng P100-milyon “emergency repatriation fund” na maaring magamit ng Labor secretary sa mga distressed OFWs sa susunod na taon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with