Show cause order vs de Lima ‘di magdudulot ng krisis sa Senado at Kamara
MANILA, Philippines - Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi mauuwi sa krisis ang sitwasyon ng dalawang kapulungan ng kongreso sa kabila ng inilabas nilang show cause order laban kay Sen. Leila de Lima.
Ayon kay Alvarez, na magiging maingat din naman ang Kamara sa kung anong hakbang ang kanilang gagawin kay de Lima.
Pag-aaralan umano nilang mabuti kung anuman ang magiging rekomendasyon ng House Justice Committee sakaling dedmahin ng senadora ang show cause order.
Idinagdag pa ni Speaker, na kung alinmang hakbang ang mag-iiwas sa kanila sa krisis ay iyon ang kanilang pipiliin.
Sinabi pa ni Alvarez na hindi naman bigating senador si de Lima para maging dahilan siya ng krisis ng Senado at Kamara.
Payo naman ni Alvarez sa senadora na tigilan na ang pagsisinungaling at harapin na ang katotohanan dahil ito na umano ang pagkakataon para magpakatotoo si de Lima at maging tapat sa taumbayan.
- Latest