^

Bansa

Yolanda victims wala pa ring maayos na tirahan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Assistant for Visayas Mike Dino na panga­siwaan ang pagpapatayo ng bahay para sa mga typhoon Yolanda victims.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang kautusan sa paggunita sa ika-3 taong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.

Inamin ni Duterte na dismayado siya ng malaman na matapos ang 3 taong pananalasa ng bagyong Yolanda ay wala pa ring maayos na tinutuluyan ang mga biktima.

“I am not satisfied. Its BS to me. Three years-ang konti konti pa rin,” wika ng Pangulo sa kanyang mensahe kahapon sa mass grave ng Yolanda victims sa Holy Cross memorial park sa Tacloban City.

“To Yolanda victims: I am sorry. I apologize for your situation right now. I want a speedy completion of housing projects for Yolanda survivors,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, babalik siya sa Tacloban sa Disyembre at dapat ay nakatayo na ang mga tahanan ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

“I will be back, babalik ako [sa Tacloban] sa December, by December gusto ko makalipat na lahat,” wika pa ni Duterte kay Presidential Assistant for Visayas Mike Dino.

YOLANDA VICTIMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with