MANILA, Philippines - Pinaaaksyunan ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe sa Kamara ang kanilang panukala na magtatatag ng crematorium sa bawat lalawigan.
Paliwanag ni Batocabe, kailangang kailangan na ito sa Pilipinas ngayon dahil sa dami ng namamatay na Pilipino ay kumakain ng malaking lupain ang mga sementeryo.
Sa kasalukuyan, 6.1% umano sa bawat Pilipino ang namamatay kada taon base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Bukod dito, mas mahal umano ang lupa para sa patay kumpara sa lupa sa buhay dito sa Pilipinas kaya panahon na umano para sa libreng crematorium.
Sakali umanong mapagtibay ang panukala nina Batocabe, ang crematoriun na maitatayo ng gobyerno sa bawat probinsiya ay libre para sa mahihirap.
Magtatakda naman ng socialed fee para sa mga may kaya sa buhay na gustong mag avail ng serbisyo nito.