Pagpapaliban ng Barangay, SK polls nilagdaan na ng Pangulo
MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.
Sinabi ng Malacanang ngayong Martes na isinabatas na ni Duterte ang pagpapaliban sa eleksyon sa paglagda nito.
Ito ang kauna-unahang panukalang batas na nilagdaan ng Pangulo.
Hindi naman masabi ng Palasyo kung sa Brunei o Davao isinabatas ni Duterte ang panukala.
Dahil ditto ay sa Oktubre 23 na ng susunod na taon gagawin ang eleksyon imbis na sa katapusan ng ngayong buwan.
- Latest