MANILA, Philippines – Muli na namang nakopo ng Pilipino Star NGAYON (PSN) sa ikalawang pagkakataon ang titulong “Best Tabloid” na iginawad ng ALTA Media Icon Awards ng University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City ngayong hapon.
Gaganapin ang awarding ceremony sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall sa campus ng nabanggit na unibersidad bandang alas-2 ng hapon kung saan dadaluhan din ng mga nagwagi mula sa print, broadcast, film, recording, advertising at social media.
Inayunan ng libu-libong estudyante ang iginawad na parangal sa PSN sa ginanap na voting process dahil sa mga nilalaman ng balita na informative, unbiased in reporting, entertaining, maka-masa at hindi pahuhuli sa balita.
Kabilang ang PSN sa limang tabloid finalist na pinagbotohan ng mga estudyante sa ilalim ng project adviser na si Alda Lou Cabrera para sa titulong Best Tabloid 2016.
“We would like to commend and thank you for upholding the highest level of professionalism and social responsibility in media practice that contributes to national development and transformation. Truly, you are an icon!” nakasaad sa liham nina Rowena G. Morta, chairperson, Department of Communication; at Dr. Alfonso H. Loreta, school director ng UPHSD.